‘Stalker’ ni Alex, nag-sorry

Humingi ng apology ang basketball player na si Rico Maierhofer sa mga nagalit nang i-post nito kung saan naka-billet na hotel sa New York si Alex Eala.
Nag-assume lang daw pala siya na doon nag-i-stay si Alex, it turned out na dalawa lang sa tennis players competing sa US Open ang naka-billet sa Crown Plaza Manhattan Times Square. Ang karamihan, gaya ni Alex ay sa ibang hotel naka-billet.
“I’m asking for for forgiveness for what I posted. Tao lang, nagkakamali lang,” part ng apology ni Rico. Sabi pa ni Rico, walang nakakaalam kung saang hotel talaga naka-billet si Alex. “Again I apologize sa mga nagagawa sa social media,”dagdag nito.
Hindi naman talaga maganda ang ginawa ni Rico dahil sa post niya, maraming Pinoy raw ang pumunta sa nasabing hotel hoping na makita nila si Alex. Imagine kung doon talaga nag-i-stay si Alex, nawalan siya ng privacy.
Kasama ni Rico na nanood ng US Open sina James Yap at JC Intal and in fairness sa dalawa, hindi sila nag-post na nasa parehong hotel sila ni Alex, tapos fake news naman pala.
Claudine, magkukumpisal kay Korina
Exciting ito, mai-interview ni Korina Sanchez si Claudine Barretto sa Rated K sa Sept. 13, 2026. Exclusive interview ito at ibig sabihin, si Korina at sa show lang nito sasagutin ni Claudine ang mga itatanong sa kanya.
What makes the interview more exciting is the fact na ex-boyfriend ni Claudine ang brother ni Korina na si Milano Sanchez. Siguro naman, tatanungin ni Korina kung ano ang nangyari sa relasyon ng dalawa at bakit mabilis na nagtapos. Sweet pa naman sila, kaya lang, ilang months lang tumagal ang relasyon at naghiwalay na.
Nagkaroon pa nga ng isyu at tila nag-away sina Claudine at Milano, pero naayos din. Naging friends uli ang ex-couple, pero hindi na sila nagkabalikan. Biglang tahimik na uli ang love life ni Claudine.
Samantala, muling magkakasama ni Claudine ang ex na si Mark Anthony Fernandez sa first micro drama nilang I Love You Ex. Streaming ito sa Viva Movie Box sa Sept. 14. Directed by Christian Paolo Lat, kasama nila sa cast sina Nathalie Hart at Marco Gallo.
May nag-comment na dapat si Raymart Santiago na lang ang kinuha ng Viva na makapareha ni Claudine para mas exciting daw. May kumontra at baka mag-away lang daw sa set ang former couple at hindi matuloy ang taping. Alam ng lahat na hindi in good terms ang daming mag-asawa.
Aljur, gaganap na Lapu-Lapu
May bagong pelikula si Aljur Abrenica at bagay sa kanya ang role na gagampanan bilang si Lapu-Lapu sa pelikulang The First Defender. Nagustuhan agad ng netizens ang poster ng movie at naniniwala silang maganda ang pelikula na tungkol
sa buhay ni Datu Lapu-Lapu.
Sa kanyang post, nagpauna na si Aljur, “Hindi ako Bisaya, pero para kay Lapu-Lapu kailangan kong matutong magsalita bilang isang Bisaya. I studied the language, the rhythm, and the words- because I wanted to honor the man and the people behind this story.
“Tapos na ang shooting, pero nagsisimula pa lang ang journey ng THE FIRST DEFENDER.
“Soon, you’ll hear him speak.
“THE FIRST DEFENDER
“Spoken in Bisaya
“December 8.”
- Latest





















