2 daliri ng lalaki, durog sa peanut grinder machine
MANILA, Philippines — Nadurog ang dalawang daliri ng isang lalaki nang aksidenteng maipit ang kanang kamay sa isang peanut grinder machine sa Taguig City, noong Huwebes.
Ayon sa ulat, sumaklolo ang Bureau of Fire Protection-Taguig at Taguig Disaster Risk Reduction and Management Office, kasama ang mga tauhan ng Barangay Calzada sa tawag sa “911” hinggil sa lalaking biktima ng pagkaipit sa peanut grinder.
Tinungo ng rescue team ang isang warehouse sa Samaca Road, Brgy. Calzada, alas-10:48 ng umaga ng Setyembre 3.
Tagumpay na naalis ang kamay ng biktima sa machine sa pangunguna ng Special Rescue Force, katuwang ang DRRMO pagsapit ng alas-12:45 ng hapon.
Agad namang nilapatan ng lunas ng Emergency Medical Services bago siya inilipat sa isang health care facility para gamutin ang nadurog na ring at middle fingers.
- Latest



















