^

PSN Showbiz

Dylan Menor, pinag-usapan sa hanash ng composer!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Dylan Menor, pinag-usapan sa hanash ng composer!
Dylan Menor

Ang kilalang composer na si Vehnee Saturno ang nagpasimula ng isyu tungkol sa kantang Sa Aking Puso na inilunsad na single ni Dylan Menor sa VibePlus noong nakaraang Sabado.

Napanood ito ni Vehnee sa naturang programa, at kaagad na nag-react siya at ipinost sa kanyang social media account na hindi man lang siya binigyan ng proper credit.

Si Ariel Rivera lang ang binanggit ni Dylan at pinasalamatan.

Kaya nag-emote si Vehnee at nag-post sa kanyang social media account. Parang mali raw na hindi siya binanggit na composer, kundi si Ariel Rivera lang na kumanta nito.

Ang in charge sa VibePlus at Programming head na si Jillmer Dy ang kaagad na nag-sorry kay Vehnee.

Nag-text siya sa kilalang composer para humingi ng paumanhin.

Binanggit ni Jillmer na iginagalang nila ang OPM musikeros, na sinagot naman ni Vehnee ng “Thanks.”

Pero nagparating na rin ng pahayag si Dylan para kay Vehnee.

Sabi ng Kapatid actor sa inilabas na official statement, “I have so much respect and gratitude for Sir Vehnee, not only as the composer of the song but also as the producer for my version.

“I’ve already reached out to him personally to thank him for this opportunity.

“I truly appreciate the trust he gave me.”

Kaya mismong si Vehnee na rin ang nagtapos ng isyung ito.

Sabi niya, “Let’s finish the issue about Sa Aking Puso of Dylan Menor. This is the message of Jillmer from TV5.

“Case closed. Salamat po sa lahat who are willing to help uplift OPM.”

Ilang Sabado na rin kaming nasa studio ng VibePlus sa MVP Studio.

At nakikita naming sumusunod lang talaga ang mga host sa nakasulat sa teleprompter.

Kaya sa tingin namin diyan, wala talaga sa script ang pangalan ni Vehnee para pasalamatan.

Madalas naman kasi ang singer ang mas nakikilala kesa sa composer. Pero dapat pa ring bigyang pagpapahalaga ang nagsulat ng kanta.

Pero sabi nga ni Vehnee, “case closed” na.  Hindi na palalakihin ang isyung ito, pagkatapos mag-sorry sa kanya ang taga-VibePlus at pati na rin si Dylan.

Pero bakit kaya may patutsada na naman siya na ipinost sa kanyang Facebook kahapon.

Pinuri niya si Willie Revillame na hindi raw nakakalimot na magpasalamat sa kanilang mga nagsulat ng mga kanta nito.

Aniya, “Sa lahat na singers na nakatrabaho ko, naiiba si Willie Revillame. Every song na kinakanta niya na gawa ko or gawa ng iba, lagi niya sinasabi ang writers at laging may PASASALAMAT! Sana tularan ng ibang SINGERS.”

Hindi pa pala ito “case closed.”

Sa Oct. 13 ay magkakaroon ng concert si Dylan Menor sa Music Museum.

Pinamagatan itong Dylan-day.

Inaasahan na naming pasasalamatan niya ang mga nagsulat ng bawat kantang aawitin niya.

At least may ibang isyung pinag-uusapan ngayon kay Dylan.

Samantala, bukod sa VibePlus na hino-host ni Dylan, napapanood na rin siya ngayon sa A Secret In Prague.

Mag-ina sila rito ni Lorna Tolentino na may mahalagang role na ginagampanan sa takbo ng kuwento nito. Lumabas na si Lorna at kaabang-abang kung ano ang koneksyon niya rito sa pangunahing karakter na ginagampanan nina Andrea Brillantes at Enrique Gil.

Quezon, namakyaw ng nominasyon sa Urian

Ang historical film na Quezon ni Jericho Rosales ang may pinakamaraming nominasyon sa 49th Gawad Urian.

Ang naturang award-giving body ay mamamahagi ng parangal sa Oct. 8 na gaganapin sa De La Salle University sa Taft Ave., Manila.

Sampu ang nakuhang nominasyon nito mula sa mga Manunuri, at kasama roon siyempre ang Best Actor category para kay Jericho Rosales at ang Best Film.

Tig-walong nominasyon naman ang Sunshine ni Maris Racal na nominado rin sa Best Actress.  At ang Cinemalaya film na Cinemartyrs ay may walo ring nominasyon.

Napansin din nila ang Bar Boys: After School at nominado sa Best Actor si Carlo Aquino, at Best Supporting Actor naman si Will Ashley.

Sa nakaraang Metro Manila Film Festival ay si Tom Rodriguez ang nagwagi, pero hindi siya nominado sa Urian.

May tig-limang nominasyon naman ang isa pang Cinemalaya film na Blooms Where You Are Planted at ang Manila’s Finest.

Nominado ring Best Supporting Actor dito sa Manila’s Finest si Rico Blanco na nanalo sa Eddys awards ka-tie si Will Ashley.

Sa Eddys’ ay nagwagi sina Echo at Maris.

Tingnan natin kung sa kanila rin ang mga Manunuri.

Ang exciting dito ay nominado rin ang dalawang bida ng I’mPerfect na sina Krystel Go at Earl Amaba.

Itong I’mPerfect ay lumalaban sa pelikulang Filipiñana para maging entry ng Pilipinas sa kategoryang Best International Feature Film sa 99th Oscar awards 2027.

Nagluluksa naman ang mga Manunuri dahil sa pagpanaw ng isang miyembro nila na si Tito Valiente.

Bago na-finalize ang nominees ay iniwan na sila ni Tito, at apektado silang lahat.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with