^

Bansa

Depensa pumalag sa ‘boring’ na impeachment trial

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Itinanggi ng defense team ni Vice President Sara Duterte na sinasadya nilang gawing “boring” ang impeachment trial.

Sa isang press conference matapos ang ika-20 araw ng paglilitis, sinabi ni Atty. Justin Nicol Gular na hindi ito bahagi ng kanilang estratehiya at ginagawa lamang nila ang kanilang tungkulin sa proceedings.

“Ginagawa lang po namin ang kailangan naming gawin. Hindi po kami nag-iisip na dapat for today gawin nating boring, bukas gawin ­nating masaya,” ani Gular, bilang tugon sa mga puna ng netizens na nagiging monotonous na ang trial.

Nilinaw rin niya na nauunawaan ng depensa ang sentimiyento ng publiko, lalo na ng mga nakatutok sa proceedings, ngunit umapela ng pasensya.

“Ito lang po ang masasabi ko sa publiko who feels this way: just be patient. Ganito naman po talaga ang proseso. May mga araw na, for others, gagamitin ko rin yung term mo, ‘boring.’ Minsan mainit,” dagdag ni Gular.

Pansamantalang si Gular ang humarap sa media dahil nakatakdang ipresenta ng prosekusyon bilang testigo ang spokesperson ng depensa na si Atty. Michael Poa, dating chief of staff ni Duterte, sa susunod na araw ng pag­lilitis.

IMPEACHMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with