Pagbubuntis ni Sarah, buking na

Wala pang pagde-deny sa kampo nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli sa tsikang preggy na si Sarah.
Tahimik ang dalawa sa nabalitang pagpapa-ultrasound ni Matteo na para sa netizens, trick lang para iligaw na si Sarah talaga ang nagpa-ultrasound.
Tulad sa inaasahan, ina-announce nila ‘yan sa YouTube channel para at least maraming views.
Mas pinag-usapan pa ito nang mag-post ang friend ni Matteo sa naging usapan nila nung sila ay magkita.
“This afternoon at Starbucks QC—deep in a meeting with a colleague, totally unaware someone familiar was right there... until Gianmatteo Guidicelli walked up and said, “ka-ila ko gyud ani!” Truly caught me by surprise!
“So many shared memories with Matt—from shoots, Airborne Proficiency Jumps, and our days at ISAFP. Solid guy-hindi mayabang, sobrang friendly pa. And even better- he’s a fellow Tiger Rider! Can’t wait for our big bike ride soon, bro-let’s hit the road!
“P.S. He is soon to be a daddy. Congratulations, bro!”
Sa P.S. ng post nagkagulo ang mga nakabasa, lalo na ang fans nina Sarah at Matteo dahil matagal na nilang hinihintay ang balitang ito. Kumpirmasyon na lang ng mag-asawa ang hinihintay at lubos na sasaya ang AshMatt fans. Hindi naman siguro magsisinungaling ang friend ni Matteo ‘no!
Xian, may hugot na saya sa pagiging guest speaker sa Lyceum
Ramdam ang saya at pagiging honored ni Xian Lim sa kanyang Instagram post kung saan, naimbitahan siyang maging guest speaker ng Class 2026 ng Lyceum of the Philippines Cavite.
“Happenings lately, in no particular order.
“Guest speaker
“Truly an honor to have been invited as a guest speaker for the Class of 2026. Standing in front of the graduates reminded me of something I’ve been learning myself: You don’t need to have everything figured out to keep moving forward.
“Congratulations, graduates. The best parts are still ahead.”
Pati fans niya, proud sa kanya dahil imagine nga naman, sa rami ng celebrity na mas sikat sa kanya, siya ang naimbitahan na maging guest speaker. Kasama yata sa factor kung bakit siya naimbitahan ng LPU ay dahil he doesn’t stop learning. Kaga-graduate lang niya ng college and for sure, may binabalak na naman itong gawin sa kanyang buhay.
Tuloy pa rin ang aviation class niya.
“Topflite
“Three hours on the road just to get to class thispast week but every lesson makes the long trip worth it. Aviation continues to humble me. The more I learn, the more I realize how much there still is to learn and I think that’s what keeps me coming back.”
Anyway, naintriga ang mga nakabasa sa post ni Xian where he mentioned “Completely necessary photo of my biological cats.” Ano raw ang biological cats at may gusto tuloy makita ang dalawa niyang cats.
Sanya, magya-yaya kay Zephanie
Maggi-guest si Sanya Lopez sa Born To Shine at ang role na gagampanan nito ay ang role na ginampanan niya sa First Yaya. Gaganap ang aktres bilang si Melody Acosta na naging First Lady. Maaalalang si Gabby Concepcion ang gumanap na presidente sa nasabing romcom series.
Ang aabangan ng viewers ng Born To Shine ay kung ano ang magiging koneksyon ni Sanya bilang First Lady kay Jeni Sicat na ginagampanan naman ni Zephanie. Wala pang announcement kung kailan lalabas ang episode ni Sanya sa series, abangan na lang daw.
- Latest
























