^

Metro

1st border bio security ipatupad – AGAP

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

Sakit sa baboy, manok maiiwasan

MANILA, Philippines — Umapela si AGAP (Agricultural Sector Alliance of the Philippines, Inc)Partylist Rep. Nicanor Briones sa pamahalaan na ipatupad na ang 1st border bio security laban sa mga ipinapasok na karne sa bansa.

Sa isang press conference sa Pasay City, sinabi ni Briones na malaki ang maitutulong ng 1st border bio security dahil hindi na maipapakalat pa sa merkado ang mga baboy. Maiiwasan din ang pagkakasakit ng mga baboy na madaling mahawa ng mga sakit na ASF.

Hiling ng AGAP ang pagpapatupad ng ANCEF para sa live stock sector, pagbili ng vaccination, at feeds development. Ang pagbili ng mga locally-produced na baboy ay katiyakan ng kaligtasan ng bawat consumer.

Samantala, pinarangalan ng AGAP, Pork Producers Federation of the Philippines, Inc. (PROPORK), at ng Philippine Pork Council Alliance ang Marikina City Police Station sa pamumuno ng PCol Jenny Tecson sa pagkakasabat ng 20 toneladang bulok na karne nitong Mayo sa isang warehouse sa Brgy. Tanong, Marikina City. 12 indibiduwal ang naaresto.

Tiniyak pa ni Tecson na sa ilalim ng direktiba ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief PBGen. Christopher Abrahano at PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr. handa silang tugunan ang mga problema at complaints na inilalapit sa kanila lalo pa’t sa kapakanan ng publiko.

AGAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with