Phoenix bagsak sa Blue Eagles
MANILA, Philippines — Matagumpay na nabuksan ng Ateneo ang bagong kabanata sa makasaysayan nitong programa matapos ang masaklap na trahedya sa Dipaculao, Aurora noong Hunyo 8.
Sa gabay ni interim head coach Louie Alas, wagi ang Blue Eagles kontra sa Our Lady of Fatima University Phoenix, 71-60, sa wildcard round ng 2026 Pinoy Liga Big Dance kahapon sa Blue Eagle Gym sa Quezon City.
Ito ang unang salang ng Ateneo sa loob ng lagpas 2 buwan matapos ang pagkalunod ng 2 nitong manlalaro na sina Rene Baterbonia at Divine Adili sa kasagsagan ng training camp at team building nila sa Hermanos Leisure Farm sa Dipaculao.
“We just praised God for allowing us to play. ‘Yan lang talaga, honestly. And we’re very thankful. Thank you,” ani Alas na pansamantalang pumalit kay Tab Baldwin.
Abante ngayon sa main draw ang Ateneo at sunod na kakaharapin ang College of St. Benilde ng NCAA o San Pedro College of Business Administration.
- Latest




















