2 kelot wanted sa kasong rape, arestado

MANILA, Philippines — Dalawang lalaking kapwa wanted sa kasong rape ang nadakip ng mga awtoridad sa magkahiwalay na operasyon sa lungsod ng Maynila kamakalawa.
Batay sa ulat ng Manila Police District (MPD), unang nadakip ng mga tauhan ng Sta. Cruz Police Station (PS-3) si alyas “Arnel,” 54, helper, at residente ng Novaliches Proper, Quezon City dakong alas-3:15 ng hapon sa Vertex One, MJC Drive, kanto ng F. Huertas St. sa Sta. Cruz, Maynila.
Si “Arnel” ay itinuturing na Top Ten Most Wanted Person Number 2 (Station Level) dahil sa kinakaharap na kasong Rape. Ito ay inaresto sa bisa ng Warrant of Arrest noong Hunyo 11, 2026.
Samantala, dakong alas-7:15 ng gabi naman nang sumunod na maaresto ang suspek na si alyas “Ace,” 27, Angkas Driver, at residente ng Gen. Trias City, Cavite sa ikinasang operasyon sa Muralla St. sa Intramuros.
Si “Ace” ay itinuturing na Rank No. 3 Most Wanted Person (City Level) sa General Trias City dahil sa kinakaharap na kasong rape.
Ito rin ay inaresto sa bisa ng Warrant of Arrest sa Trece Martires, Cavite.
Ang mga akusado ay kapwa nakapiit na at walang inirekomendang piyansa ang hukuman para sa kanilang pansamantalang paglaya.
- Latest

















