^

Punto Mo

Kailangan pa bang ­mag-­render ng 30 days kung matatapos na ang kontrata?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Project employee po ako at malapit nang matapos ang panahon ng aking kontrata. Kailangan ko pa rin po bang mag-render ng tatlumpung araw bago ako umalis?—Jess

Dear Jess,

Hindi mo na kailangang mag-render ng tatlumpung araw kung ang dahilan ng iyong pag-alis ay ang pagtatapos mismo ng iyong kontrata. Ang tatlumpung araw na abiso ay kailangan lamang kung may resignation o kusang pagbibitiw. Sa ilalim ng Article 300 ng Labor Code, ang isang empleyadong nagnanais umalis sa trabaho nang walang makatwirang dahilan ay kinakailangang magbigay ng written notice sa kanyang employer nang hindi bababa sa tatlumpung araw bago ang petsa ng kanyang pag-alis. Ang layunin nito ay upang mabigyan ng sapat na panahon ang employer upang makahanap ng kapalit at hindi maabala ang operasyon ng negosyo.

Ngunit iba ang iyong sitwasyon bilang isang project employee. Sa ilalim ng Article 295 ng Labor Code, ang project employment ay isang uri ng employment kung saan ang empleyado ay tinanggap para sa isang tiyak na proyekto o gawain, at ang pagtatapos ng employment ay natukoy na sa panahon ng pagtanggap sa kanya. Kaya kapag natapos na ang proyekto o ang panahong itinakda sa kontrata, ang trabaho ay awtomatiko nang nagwawakas. Hindi ito resignation kundi expiration ng kontrata. Walang kusang pagbibitiw na nangyayari dahil ang kasunduan mismo ang nagtakda ng katapusan ng ugnayan sa pagitan ng employer at empleyado.

Kaya sa sitwasyon mo, hindi kailangan ang 30-days notice dahil hindi ka naman nagbibitiw sa trabaho. Sadyang natapos lamang ang napagkasunduang panahon na nakasaad sa iyong employment contract.

Magkaiba ang usapan kung nais mong umalis bago pa matapos ang iyong kontrata. Dahil may period and iyong employment, kailangan mong tapusin ito puwera na lang kung payagan ka ng employer mo na umalis bago pa matapos ang kontrata at maliban din kung ang iyong pag-alis ay dahil sa mga makatwirang dahilan tulad ng matinding pang-iinsulto ng employer, hindi makataong pagtrato, paggawa ng krimen laban sa iyo o sa iyong pamilya, at iba pang katulad na dahilan. Sa ganyang sitwasyon kung saan wala ng magagawa ang empleyado kundi magbitiw, maaari kang umalis kaagad nang hindi na kailangang maghintay ng tatlumpung araw.

Maipapayo ko na balikan mo ang iyong kontrata at tingnan ang eksaktong petsa ng pagtatapos nito, at kung mayroon itong mga probisyon tungkol sa pagtatapos ng iyong engagement. Makabubuti ring ipaalam mo na rin sa iyong employer, kahit hindi naman kinakailangan ng batas, na hindi ka na magpapatuloy pagkatapos ng kontrata upang maging maayos ang inyong paghihiwalay at madali mong makuha ang iyong mga clearance at final pay.

Sana’y nasagot ko ang iyong katanungan.

THAI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with