Warrant of arrest, HDO vs solon, inilabas ng Sandiganbayan
MANILA, Philippines — Isang warrant of arrest at hold departure order ang inilabas ng Sandiganbayan 3rd Division laban kay Uswag Ilonggo Party-list Rep. Jojo Ang kaugnay ng kasong graft may kinalaman sa umanoy conflict of interest sa infrastructure projects.
Nabatid na 14 na counts ng graft ang naisampa ng Office of the Ombudsman laban kay Ang dahil sa umanoy koneksyon nito sa isang construction firm
Sinasabing habang nakaupo sa puwesto si Ang sa Kongreso ay nakakuha ang construction ng P214 milyong kontrata sa DPWH at nabayaran ng halos P199 milyon para rito.
Ipinag-utos din ng Sandiganbayan 3rd division ang pag-aresto kay dating Sultan Kudarat Second District Rep. Arnulfo Go, dating Sultan Kudarat Municipal Mayor Dionesio Besana, municipal employees Allan Bayani at Mario Labrador dahil sa kasong malversation may kinalaman sa pork barrel scam.
Noong November 27, 2025 nang kasuhan ng malversation sina Go at kapwa akusado na pawang naisyuhan din ng hold departure orders.
- Latest

















