^

Probinsiya

DOTr: Bahagi ng SLEX TR4, operational sa Disyembre

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
DOTr: Bahagi ng SLEX TR4, operational sa Disyembre
Transportation Secretary Giovanni Lopez
Department of Transportation - Philippines Facebook page

MANILA, Philippines — Magandang balita dahil inianunsiyo ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Giovanni Lopez na magiging 30 minuto na lamang ang biyahe ng mga motorista galing Sto. Tomas, Batangas patungong Tiaong, Quezon, at vice versa mula sa kasaluku­yang dalawang oras.

Ito’y dahil nakatakda nang magbukas at ma­gamit ang Package A hanggang Package C ng South Luzon Expressway Toll Road 4 (SLEX TR4) sa Disyembre o bago matapos ang taong 2026.

Kasunod na rin aniya ito ng direktiba ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na gawing mabilis at ma­ginhawa ang biyahe ng mga motorista at pasahero.

Ayon kay Lopez, bago matapos ang taon ay makakaasa ang ating mga kababayan sa pagbubukas ng unang tatlong packages ng SLEX TR4.

Kapag natapos naman ang buong SLEX TR4, magiging isang oras na lang ang biyahe ga­ling Batangas hanggang Lucena mula sa apat na oras na biyahe.

Nabatid na ang naturang expressway ay proyekto ng DOTr, katuwang ang Department of Public Works and Highways (DPWH).

DOTR

GIOVANNI LOPEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with