Big-time ‘pusher’ timbog sa Batangas

MANILA, Philippines — Arestado ang isang big-time drug prusher at kasama sa high value individual ng pulisya ang mahigit kumulang sa 200 gramo ng shabu sa inilatag na buy-bust operation ng pulisya, kamakalawa sa Brgy. Salaban 2, Ibaan Batangas.
Base sa ulat, nagkasa ng buy-bust operation ang pinagsanib na puwersa ng Drug Enforcement Unit at Special Operations Group ng Batangas Police dakong alas-5:15 ng hapon laban sa suspek na si alyas “Juan”, isang hig value target ng pulisya.
Nasamsam sa operation ang isang malaking transparent plastic na naglalaman ng mahigit kumulang sa 200 gramo ng shabu na aabot sa halagang P1,360,000.
Narekober din ang buy-bust money na P300,000 na ginamit sa operasyon, isang cellphone, pouch na kulay pula at paper bag na puti na pawang mga gamit ng suspek.
Napag-alaman na ilang araw munang isinalang sa surveillance operation ang suspek bago inilatag ang operasyon bunga ng pagkakaaaresto nito.
- Latest



















