Reyes naka-ginto sa World Expo

MANILA, Philippines — Sumipa si Pinay taekwondo jin Fiel Reyes ng isang ginto at isang pilak sa 19th World Taekwondo Cultural Expo na ginanap sa Muju, Jeollabuk-do, South Korea.
Unang umarangkada si Reyes sa poomsae event kung saan nito nakamit ang gintong medalya.
Nakahirit pa ito ng pilak sa sparring (kyorugi) para magarbong tapusin ang kampanya nito sa naturang world meet.
Pinatunayan ng Mapua University student na kaya nitong makipagsabayan sa matitikas at world-class taekwondo jins mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
Ang World Taekwondo Culture Expo ay isang South Korea’s premier international taekwondo festival na nilalahukan ng mahigit 4,000 athletes, coaches at enthusiasts.
Ito ay isang annual event na nagtatampok ng poomsae at kyorugi kasabay ng pagpapalawak ng Korean culture, tourism at taekwondo.
Target ng PTA na makatuklas ng mga mahuhusay na taekwondo jins na posibleng maging bahagi ng national team sa mga darating na taon.
- Latest

















