Alas Boys nadiskaril sa quarterfinals

MANILA, Philippines — Minalas ang Alas Pilipinas Boys na makasampa sa quarterfinals nang makalasap ng 25-16, 25-20, 20-25, 23-25, 4-15 kabiguan sa India sa 2026 Asian Volleyball Confederation (AVC) Boys’ U18 Championship kahapon sa Wuyuan River Gymnasium sa Haikou, China.
Laglag ang mga Pinoy junior spikers sa ikatlong puwesto sa 1-2 kartada sa Pool B sa ilalim ng Iran (3-0) at India (2-1).
Ang top two teams lamang sa bawat grupo ang papasok sa quarterfinals ng torneo.
Nagmula ang Alas Boys sa 25-22, 13-25, 25-23, 25-14 pagwalis sa Bahrain (0-3) noong Lunes makaraan ang 17-25, 20-25, 13-25 kabiguan sa Iran noong Linggo.
Kinuha ng Alas Boys ang two-set lead sa pagbibida nina Terrence Marticion at Terrence Gamotea bago nakabangon ang India sa third set, 25-20, patungo sa pag-agaw sa panalo.
Tumapos si Marticion na may 16 points mula sa 14 attacks at dalawang service aces habang may tig-14 markers sina Raphael Galapin at Al-Raquib Dais.
Dahil sa kabiguan ay laglag ang mga Pinoy junior hitters sa classification round kung saan lalaban sila para sa 9th-16th places.
Nagtapos ang Alas Boys sa pang-11 posisyon sa 2024 edition ng AVC U18 Championships na idinaos sa Bahrain.
Nanghinayang si coach Oliver Balse sa nakawalang tsansa ng kanyang mga bataan sa quarterfinals.
“We were so close; we were already there, but we fell short. We did not hold on until the end,” wika ni Balse sa pagkulapso ng kanyang tropa sa third set.
“There are situations where we could take the set and win, but maybe this match is not for us,” dagdag pa nito.
- Latest






















