^

Metro

2.5 toneladang manok nasabat, 2 huli

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
2.5 toneladang manok nasabat, 2 huli
Sa ulat, Hulyo 7, 2026 sinalakay ang pasilidad bunsod ng reklamong inihain ng pribadong indibidwal noong Hunyo 25, 2026 hinggil sa operasyon ng kata­yan ng manok, ng walang kaukulang permit sa lokal na pamahalaan at National Meat Inspection Service (NMIS).
Philstar.com / Jovannie Lambayan

3 poultry facility ni-raid

MANILA, Philippines — Aabot sa 2.5 toneladang karne ng manok ang nasamsam ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation- Laguna District Office (NBI-LAGDO) nang salakayin ang tatlong poultry dressing facility kung saan dalawang operator nito ang inaresto sa kawalan ng permit at akreditasyon, sa Sta. Rosa, Laguna, noong Martes.

Sa ulat, Hulyo 7, 2026 sinalakay ang pasilidad bunsod ng reklamong inihain ng pribadong indibidwal noong Hunyo 25, 2026 hinggil sa operasyon ng kata­yan ng manok, ng walang kaukulang permit sa lokal na pamahalaan at National Meat Inspection Service (NMIS).

Natukoy ng NBI ang mga pasilidad na kulang din umano sa tamang sanitasyon ang mga pasilidad na maaa­ring maging peligro sa kalusugan ng consumers.

Isinailalim na ang dalawang suspek sa inquest proceedings sa reklamong paglabag sa Republic Act No. 10536 (Meat Inspection Code of the Philippines.

NMIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with