17 Pinoy na inaresto sa Qatar pinalaya na

MANILA, Philippines — Pinalaya na ang 17 Overseas Filipino Workers (OFWs) na inaresto sa Qatar nang magsagawa ng ilegal na kilos-protesta noong kaarawan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa press briefing ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro na maliban sa pagpapalaya ay hindi na rin sinampahan ang 17 Pinoy.
Sinabi ni Castro na nakipagpulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Qatari Ambassador to the Philippines Al-Homidi at sinabi nito ang good news sa pangulo sa pagpapalaya at hindi pagsasampa ng kaso sa 17 Pinoy.
Sinabi aniya ni Ambassador Al-Homidi, na ito ang reflection ng maganda at matatag na pagkakaibigan ng dalawang bansa.
Nilinaw rin ni Castro na maaari nang bumalik sa kanilang mga trabaho ang 17 OFWs at maaari na rin silang umuwi dito sa Pilipinas kung nais nila.
- Latest