^

PSN Showbiz

Kim, basag kay Angelica!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Kim, basag kay Angelica!
Angelica Panganiban

Ang bongga ni Kim Chiu sa pelikula nila ni Paulo Avelino na ang dami raw eksena ng halikan.

At nakakaloka na nilaglag daw si Kim ng kaibigang sina Angelica Panganiban at Bela Padilla.

Nang ma-interview raw si Angge ay sinabi raw nitong “Parang si Kim lang talaga ‘yung gusto kong i-congratulate talagang panalong-panalo siya sa mga ginawa niya kay Pau. Grabe!”

Ito nga raw ang pinaka-daring na role ni Kim ayon pa kay Bela.

Sobrang feel-good movie raw ang pelikula ng KimPau na My Love Will Make You Disappear kaya na-curious tuloy ako lalo.

Mula umpisa hanggang matapos daw ay nakangiti lang ang mga nanood ha.

Ayon pa nga kay Angge ay bagay na bagay raw talaga ang dalawa at sa movie niya iyon nakumpirma.

At nang matanong kung sila na ba ay sey ni Angelica ay “Friends daw sabi nila sa movie pero ganon maghalikan.”

‘Kaloka talaga.

Dennis at Jennylyn, pulos kalokohan ang content

‘Kaloka ang mag-asawang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa mga kalokohan nila sa TikTok video nila.

Nakagawa raw ng content ang dalawa kung saan nauna si Dennis na habang nasa dental clinic sila at nakasalang ang misis niya na may mouth opener pa ay nag-lip sync sila ng kantang Dilemma.

Ang witty nga raw talaga ng actor at nagawan pa niya iyon ng content. 

Pero hindi nga nagtagal ay bumawi si Jennylyn at nagpalit na sila ng posisyon kung saan ang actor naman ang nakasalang sa patient chair at may mouth opener din.

Mukhang nakaganti na nga raw ang mommy ni Dylan sa ginawa ng mister.

Talagang nagkakasundo nga ang mag-asawa sa mga kalokohan nila.

Ika nga raw ay ‘if you can’t beat them, join them’ ang motto ni Jennylyn sa mga kalokohan ni Dennis.

ANGELICA PANGANIBAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with