Drag race judge na si Jiggly Caliente, lumisan sa edad na 44!

Pumanaw na kagabi ang resident judge ng reality contest na Drag Race Philippines na si Jiggly Caliente (Bianca Castro-Arabejo sa totoong buhay) sa edad na 44.
Ang pagkamatay ng drag artist ay inihayag ng kanyang pamilya sa isang post sa Instagram kagabi, na nagsasabing ang drag artist ay “payapa na lumisan noong Abril 27, 2025, ganap na 4:42 a.m. habang napapaligiran ng kanyang pamilya at malalapit na kaibigan.”
Nauna nang sinabi ng kanyang pamilya na naospital at pinutol ang kanyang kanang binti dahil sa isang matinding impeksyon.
Si Jiggly ay kabilang sa mga hurado sa tatlong season ng Drag Race Philippines kung saan naging contestant siya sa Season 4 nito at Season 6 ng RuPaul’s Drag Race All-Stars.
- Latest