Tres ni Poole naglusot sa Wizards sa Nuggets

DENVER — Isinalpak ni Jordan Poole ang isang three-point shot sa huling 2.1 segundo para sa 126-123 pag-eskapo ng Washington Wizards laban sa Nuggets.
Naglista si Poole ng 19 points habang nagtala si Alex Sarr ng career-high 34 points, 6 rebounds at 5 assists para sa Washington (15-51).
Pinamunuan ni Nikola Jokic ang Denver (43-15) sa kanyang 40 points at 13 rebounds.
Ang jumper ni Poole sa huling 44.1 segundo ang nagbigay sa Wizards ng 120-119 kasunod ang layup ni Russell Westbrook para sa 121-120 abante ng Nuggets.
Matapos ang triple ni Kyshawn George para sa 123-121 bentahe ng Washington ay ipinasok ni Jamal Murray ang kanyang jump shot na nagtabla sa Denver sa 123-123 sa nalalabing 5.1 segundo.
Kasunod nito ay ang tres ni Poole para sa panalo ng Wizards.
Sa New York, umiskor si Kristaps Porzingis ng 24 points sa 115-113 paglusot ng nagdedepensang Boston Celtics (49-19) sa Brooklyn Nets (22-45).
Sa Detroit, bumanat si Shai Gilgeous-Alexander ng 48 points sa 113-107 panalo ng Oklahoma City Thunder (55-12) sa Pistons (37-31).
Sa Houston, kumamada si Fil-Am Jalen Green ng 28 points sa 117-114 pagtakas ng Rockets (43-25) sa Chicago Bulls (28-39).
- Latest