^

Bansa

43 kasong murder vs Duterte, binasa ng ICC

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
43 kasong murder vs Duterte, binasa ng ICC
Former president Rodrigo Duterte, accompanied by former executive secretary Salvador Medialdea, waits in a chartered jet for the flight to The Hague March 12, 2025.
STAR / File

MANILA, Philippines — Pormal nang iprinisinta ng International Criminal Court (ICC) kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kasong inihain laban sa kanya.

Ito’y matapos na humarap si Duterte sa ICC sa pamamagitan ng isang video habang nasa piitan sa The Hague, Netherlands sa kahilingan na rin ng kampo ng dating presidente dahil sa kanyang kalagayan at edad.

Tanging ang kanyang abogado na si dating ­Executive secretary Salvador Medialdea ang personal na humarap sa mga hukom.

Binasa ni Judge lulia Antonealla Motoc ang mga krimen na isinampa kay Duterte kabilang ang 43 pagpatay partikular na ang 19 ng Davao Death Squad kung saan siya pa ang Mayor ng Davao at ang 24 ng mga pulis sa buong bansa habang siya pa ang Presidente ng Pilipinas.

Sa kabila naman ng argumento ni Medialdea tungkol sa mahinang kalusugan ng dating pangulo, sinabi ng ICC presiding Judge na mayroon silang doktor doon at ineksamin si Duterte at lumalabas na ‘fully mentally aware at fit” ito at may kakayahan naman aniya na dumalo sa pamamagitan ng video link.

Sa nasabing pagdinig isang beses lamang nagsalita si Duterte matapos tanungin at kumpirmahin ang kanyang pangalan at petsa ng kaarawan. Mapapansin naman na nanginginig ang kanyang boses sa pagsasalita.

Tumagal lamang ng 30 minuto ang initial appearance hearing ng ICC.

Sa manifestation naman ni Medialdea, iginiit nito na binigyan lamang siya ng isang oras para makausap ang dating pangulo bago ang inisyal na pagharap sa hearing kaya hindi maintindihang mabuti ng kanyang kliyente ang kaso at ang paraan ng pagdinig.

Subalit, sinopla ito ni Motoc at sinabing pinagbigay alam kay Duterte ang kanyang karapatan sa ilalim ng Articles 66 at 67 ng Rome Statute at alam ng dating pangulo ang lahat ng kaso laban sa kanya.

Muling itinakda ng ICC ang susunod na pagdinig sa Setyembre 23 para sa confirmation charges hearing habang dito kukuwestyunin ng prosekusyon ang mga kaso laban sa dating presidente.

INTERNATIONAL CRIMINAL COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->
ad