^

PSN Palaro

POC membership hiling ng PRBA

Russell Cadayona - Philstar.com
POC membership hiling ng PRBA
Ang mga opisyal ng Philippine Roll Ball Association Inc. (PRBA) sa pangunguna ni Tony Ortega.

MANILA, Philippines – Umaasa ang Philippine Roll Ball Association Inc. (PRBA) na mabibigyan sila ng rekognisyon ng Philippine Olympic Committee (POC) bilang isang National Sports Association (NSA).

Sinabi kahapon ni PRBA Tony Ortega na maganda ang pagtanggap ng publiko sa roll ball na kumbinasyon ng skating at basketball.

“This is just the beginning and crucial steps para mapatatag namin ang PRBA at mai-submit namin sa POC for membership,” ani Ortega sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) 'Usapang Sports' na itinataguyod ng Behrouz Persian Cuisine, Pocari Sweat at Philippine Sports Commission.

“Aayusin din namin na magkaroon ng asosasyon sa Southeast Asia. Sa ngayon, Indonesia, Malaysia at Singapore mayroon na ring community ng roll ball,” dagdag ng PRBA chief.

Ang Pilipinas lamang ang tanging bansa sa Southeast Asia na kinikilala ng International Roll Ball Federation (IBRF) nakabase sa India.

“Ang International Roll Ball Federation ay nagbibigay sa amin ng pagkilala at awtorisasyon na ipalaganap ang palakasan hindi lamang sa Pilipinas kundi sa Timog-Silangang Asya din,” wika ni Ortega.

Naisumite na ng PRBA ang handbook ng laro at mga teknikal na panuntunan kay PSC Commissioner Wawit Torres at nakikipagtambal sa mga Local Government Unit (LGUs) para makapagdaos ng mga activities na ginagawa sa mga barangay at sa roller skaters community.

“Sa ngayon, mayroong higit sa isang libong skating club at komunidad sa buong bansa. Una, kailangan natin ng mga skater para kumbinsihin silang pumasok sa roll ball. May mga 500 na kaming players na regular na naglalaro sa Amoranto stadium sa Quezon City,” sabi ni Ortega na nakasama sa TOPS sina interim coach Jayson Seneres at PRBA Director Clyde Arcosa.

Sinabi ni Ortega na ang kanyang grupo ay nagsagawa na ng mga clinic, seminar at iba pang campaign activities sa Gen. Santos, Davao, Malabon, Cavite at Batangas para ipakilala ang laro.

Binubuo ng maximum 15 players sa bawat koponan ang kailangan sa roll ball na may anim na manlalaro sa magkabilang panig kasama ang goalie.

Gamit ang junior-size na basketball, ang mga manlalaro ay may tatlong segundo kapag huminto sa pag-dribble para ipasa ang bola sa teammate para maiwasan ang violation.

“Parang football at basketball kailanga mong maka-goal para sa iskor. Bale 40 minutes and playtime, 20 minutes isang quarter,” ani Ortega.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with