^

PSN Showbiz

PBB Gen 11, 36k ang nag-audition

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
PBB Gen 11, 36k ang nag-audition

Handang-handa na ang Bahay ni Kuya sa muling pagbubukas nito.

Kahapon ay nagpa-tour sila sa entertainment media.

Hindi ko naman first time nakapasok sa PBB house, pero hinahanap namin ang mga camera kahapon dahil baka pag nag-CR ka, may nakatutok pala.

Kidding aside, alam mo ‘yun, parang kelan lang nang buksan ‘yun, pero 19 years na pala this year.

Yup, parang kailan lang nung una nating mapanood ang PBB at buksan ang pinakasikat na bahay pero almost two decades na pala.

Viral din noon ang kantang Pinoy Ako dahil din sa PBB.

Kahapon nga ay humarap na sina Bianca Gonzalez, Melai Cantiveros, Robi Domingo, Enchong Dee, at Alexa Ilacad bilang mga host na muling pagbubukas nito. Excited daw sila sa paparating na Gen 11.

Kasama ring magho-host si Kim Chiu pero hindi ito nakadalo dahil nasa It’s Showtime.

Unang sabak naman ito ni Alexa sa hosting.

Noong nakaraang Abril nang ihayag nila ang title ng season habang inaanunsyo nito ang mga petsa ng audition para sa mga aspiring housemate – PBB Gen11.

Ayon kay Bianca Gonzalez, umabot sa kabuuang 20,157 na aspiring housemates ang lumahok sa ground auditions, habang 15,749 ang nagsumite ng kanilang online application.

Sa 35,906 auditionees, pinili ng show ang bagong batch ng PBB housemates.

“Finally ‘yung 35,000 plus na ‘yan, si Kuya at ang kanyang team ay nakahanap ng 67 na naka-shortlist for the final casting,” saad ni Ms. Bianca na naging poste na sa programa sa ginanap na media confe­rence kahapon sa loob ng Bahay ni Kuya.

“Ang galing. Natutuwa ako kasi sa maikling oras na nakasilip ako may galing sa US, sa Mindanao, may galing Visayas, Luzon, so it’s a good mix talaga,” dagdag pa ni Bianca kahapon.

Mula July 15 up to Hulyo 19, ang mga bagong housemate ay ipapakita sa pamamagitan ng Star Hunt The Audition Show na hino-host ni Melai.

Ipapakita rin ang mga paglalakbay ng libu-libong mga aspiring housemate at Star Magic hopefuls. At isa-isang ipakikilala ang mga ito kada araw.

At sa July 20, ang grand kickoff ng PBB Gen11.

Ang last season ng hit reality show – Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 – ay nagtapos noong May 2022 na ang grand winner ay si Anji Salvacion.

 

vuukle comment

PBB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with