^

PSN Opinyon

Mga pulitiko sa likod ng POGO

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

Sa imbestigasyon ng Senado sa pangunguna ni Senator Risa Hontiveros nakamamangha na mula sa mga bibig mismo ng local government units (LGUs) na hindi nila mapasok ang POGO sa kanilang mga teritoryo.

Nasilip din ng mga senadors sa pagbibigay ng permiso mula sa Philippine Gaming Corporation (PAGCOR) kaya maging ang mga dati nang kinansela ang mga permiso ay patuloy pa ring isinasangkalan ng mga sindikato upang makapag-operate.

Malaking dagok ang walang habas na patayan, tortyuran, abduction, prostitution, money scam at iba’t iba pang krimen sa bansa. Sa ngayon maraming senador ang nais na wakasan na ang operasyon ng POGO sa buong bansa. Katiting lang naman umano ang buwis na napupunta sa kaban ng bayan.

Paano maipatitigil itong operasyon ng POGO sa bansa kung ang mga lupaing pinagtitirikan ng mga gusali ay lupain ng mga sikat na pulitiko at mataas na opisyal ng gobyerno?

Sa ngayon, nagagawa pang magrali ng mga ­suporters ni Bamban, Tarlac, Mayor Alice Guo matapos itong patawan ng anim na buwang suspension. Nagrarali sila para sa isang nagpapanggap lamang na Pilipino? Sa halip na magrali sila sa ginagawang pag-angkin ng China sa mga teritoryo natin sa West Philippine Sea, ang pinuprotektahan nila ay si Guo.

Siyanga pala, nung Huwebes ay inihayag ng NBI na parehas ang fingerpint ni Guo at ni Chinese national Guo Hua Ping. Iisa sila.

Ngayon ay unti-unti nang lumilinaw na ang operasyon ng POGO sa bansa ay pinatatakbo ng mga criminal syndicate. Natitiyak ko babaha ng pera mula sa POGO sa 2025 polls. Sure ako.

At habang nalalapit din ang filing ng mga kandidato sa darating na 2025 election, maraming matataas na opisyal ang nauupos sa kinatatayuan dahil unti-unti na silang nabubuking na nasa likod ng POGO. Kapag napatunayan ito ng PAOCC at Department of Justice, sa kangkungan sila hahantong. Dapat malantad ang mga pulitikong sangkot sa POGO. Talupan sila.

vuukle comment

PAGCOR

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with