^

Punto Mo

POGO hospital, sinalakay ng PAOCC!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

SINALAKAY ng Philippine Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang isang underground hospital, na nagbibi­gay serbisyo sa mga workers ng Philippine Offshore and Ga­ming Operators (POGO) sa Pasay City. Sinabi ni PAOCC Director General Gilberto Cruz na walang kaukulang permit ang ospital mula sa city hall, at maging sa Department of Health. Inaresto ang mga doctor na dalawang Vietnamese at isang Chinese na naaktuhang siniserbisyuhan ang kani-kanilang pasyente.

Teka, teka! Sa Pasay na naman? Alam kaya ni Boss Prince ito? Bakit kaya naging pugad ng POGO ang Pasay City sa panahon ni Mayor Emi Calixto-Rubiano? Tsk tsk tsk! Mahihirapan na si Mayor Calixto-Rubiano na iangat sa taguring “Sin City” ang Pasay, di ba mga kosa? Sa mga residente ng Pasay, alam n’yo na ang gagawin n’yo sa darating na 2025 midterm elections. Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Ayon kay Cruz, ang two-storey na hospital ay matatagpuan sa Hobbies of Asia compound sa Macapagal Avenue. Kung Pinoy ka, hindi mo biglaang mapapansin ito, ani Cruz, dahil ang signages ng building ay Chinese characters. Sanamagan! Sa harapan ng building ay may nakapaskil na procedure kung saan ituturo pa ang direksiyon kung saan matagpuan ang iyong kuwarto. Maliban sa tatlong doctor, may isang nurse sa loob ng building na wala ring permit sa Bureau of Immigration para magtrabaho sa Pinas. Dipugaaaaa! Ang sakit sa bangs nito!

Sinabi pa ni Cruz na nang pasukin ng raiding team leader na si Maj. Noel Enoc ang building, nagulat siya dahil puro state-of-the-art ang kagamitan doon, tulad ng dialysis machine, laboratory at surgery, hair transplant, cosmetic enhancement, dental chair at iba pa. May pharmacy din sa loob ng bulding. Abayyyyy kumpleto rekado ang gamit sa hospital na bilyon ang halaga.

Hindi masabi ni Cruz kung magkano ang singil ng mga doctor sa kanilang pasyente dahil pinauwi ang lahat ng foreigners na nadatnan sa loob ng building matapos magpakita ng valid documents sa pag-stay nila sa Pinas. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Ang pangamba lang ni Cruz ay kapag may dinala sa ospital na biktima ng shooting incidents at iba pang kaso ay hindi na ito naire-report sa lokal na pulisya. Puwede ding tumanggap sila ng pasyente na wanted sa mga kaso at magpapabago ng mukha sa ospital dahil may kagamitan sila, ang dagdag pa ni Cruz.

Dapat tuklasin ni Cruz ang hiwagang bumabalot dito sa operasyon ng underground hospital at alamin kung sino ang nasa likod at “patong” dito. Anong sey mo kosang Prince? Dipugaaaaa! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Sa kanyang report kay Executive Secretary Lucas Bersamin, sinabi ni Cruz na inisyuhan sila ng mission order ng BID laban kay Trinh Dinh Sang matapos ang dalawang linggong surveillane operation sa kanyang medical practice na walang kaukulang lisensiya. Ang tatlong doctor, na walang license mula sa Professional Regulation Commission, isang nurse at pharmacist ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng BID kung saan kakasuhan sila ng illegal stay sa Pinas. Mismooooo!

Hiningi rin ni Cruz ang tulong ni DOJ Undersecretary Nicky Ty para kasuhan sila ng paglabag ng Hospital Licensure Act, Philippine Pharmacy Act, the Philippine Medical Act, Philippine Nursing Profession Act at iba pa. Swak kayo sa banga ngayon. Hehehe! May trabaho na naman si kosang Jun Tabios! Tiyak ‘yun! Abangan!

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with