DOTr: MRT-3 may libreng sakay sa kabataan

MANILA, Philippines — Magandang balita dahil pagkakalooban ng Department of Transportation-Metro Rail Transit Line 3 (DOTr-MRT-3) ng libreng sakay ang mga kabataan sa Nobyembre 4, Miyerkules.
Sa abiso ng MRT-3, nabatid na ang free ride ay ipagkakaloob para sa mga kabataang 17-taong gulang pababa, bilang bahagi ng pakikiisa nila sa pagdiriwang ng National Children’s Month sa susunod na buwan.
Ayon sa DOTr, ang libreng sakay ay maaaring i-avail mula 7:00AM hanggang 9:00AM at 5:00PM hanggang 7:00PM.
Ang MRT-3 ay bumabagtas sa kahabaan ng EDSA, mula Taft Avenue, Pasay City hanggang North Avenue, Quezon City.
- Latest




















