^

Probinsiya

UV Express driver pumalag sa holdap, binaril

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
UV Express driver pumalag sa holdap, binaril
Patuloy na inoobserbahan ang kondisyon ng driver na si alyas “Benjie”, 40-anyos, ng Plaridel, Basud, Camarines Norte.
STAR / File

BASUD, Camarines Norte, Philippines — Isang driver ng UV Express van ang sugatan matapos barilin ng isang holdaper na nagpanggap na pasahero nang pumalag habang hinoholdap ang mga pasahero nito sa kahabaan ng Maharlika National Highway sa Sitio Dagang, Brgy.Tuaca, Basud, Camarines Norte kamakalawa ng umaga.

Patuloy na inoobserbahan ang kondisyon ng driver na si alyas “Benjie”, 40-anyos, ng Plaridel, Basud, Camarines Norte.

Makalipas ang 8-oras na pagtugis, nasukol ng mga pulis ang holdaper na si alyas “Jun-jun”, residente ng Brgy. Pagatpatan, Bato, Camarines Sur at miyembro umano ng isang criminal gang at suspek sa naunang insidente ng pamamaril sa kanilang lugar.

Ayon sa ulat, alas-9:30 ng umaga habang binabagtas ng UV Express van na minamaneho ni Benjie ang kahabaan ng highway galing Naga City at patungo sa bayan ng Daet, nang pagsapit sa naturang lugar ay nagdeklara ng holdap ang suspek at mabilis na kinuha ang pera, cellphone, at gamit ng iba pang mga sakay. Bago bumaba sa van, binaril ng suspek ang driver ng van sa dibdib.

Magkatuwang na nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga kasapi ng Camarines Norte Provincial Intelligence Unit; Provincial Drug Enforcement Unit; 1st Provincial Mobile Force Company; San Lorenzo Municipal Police Station; Lupi Municipal Police Station; at Camarines Sur Provincial Mobile Force Company. Sinuri ang mga kuha sa CCTV camera malapit sa lugar at sa tulong ng tracking device mula sa natangay na cellphone ng isa sa mga pasahero ay natunton ng awtoridad ang pinagtaguan ng suspek sa Purok-1, Brgy. Napolidan sa Lupi, Camarines Sur.

UV EXPRESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with