^

Bansa

Alex Eala binati ni Marcos

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binati ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Pinay tennis sensation na si Alex Eala matapos itong gumawa ng kasaysayan bilang kauna-unahang Pinay na nagkampeon sa isang Women’s Tennis Association (WTA) 500 tournament.

Ayon sa Pangulo, ang panibagong tagumpay ni Eala ay nagsisilbing inspirasyon sa mga kabataang Pilipino na mangarap ng walang hangganan.

“Alex Eala does it again,” ayon kay Marcos sa kanyang official Facebook account bandang alas-2 ng madaling araw. “The Philippines now has its first WTA 500 champion”.

Pinuri rin ni Marcos ang batang tennis star dahil sa patuloy nitong pagbibigay ng bagong kahulugan sa kakayahan ng mga Pilipino sa larangan ng tennis at sa pagiging huwaran ng mga kabataang atleta sa buong bansa.

“Congratulations on yet another historic achievement. You continue to redifine countless young Filipinos to dream without limits,” ayon pa sa Pangulo.

Tiniyak naman ni Marcos ang buong suporta ng sambayanang Pilipino habang ipinagdiriwang ang panibagong tagumpay ni Eala.

WTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with