^

Bansa

Pagharang sa P85 wage hike pinalagan ni Sen. Raffy!

Pilipino Star Ngayon
Pagharang sa P85 wage hike pinalagan ni Sen. Raffy!
Nagprotesta ang mga mang­gagawa sa Pasig City Regional Trial Court nitong Lunes upang kondenahin ang desisyon ng Korte na suspendihin ang P85 dagdag-sahod. Binatikos din ng mga ito ang Department of Labor and Employment (DOLE) dahil sa pagdepensa nito sa inilabas na temporary restraining order, na anila’y paglabag sa Labor Code.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Pinalagan ni Senate Committee on Labor & Employment Vice Chairperson Sen. Raffy Tulfo ang pag-isyu ng Pasig City Regional Trial Court Branch 152 ng temporary restraining order (TRO) laban sa implementasyon ng P85 daily minimum wage hike sa Metro Manila. 

Ang inihain na petisyon ng Readycon Trading and Construction Corporation at R-11 Builders, Inc. sa Pasig RTC ay ang pipigil sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board-NCR at National Wages and Productivity Commission na ipatupad ang inaasahang wage increase hanggang August 13. 

Ang dagdag na P85 sa arawang minimum na sahod ay hinati sa dalawang yugto. Ang unang P60 ay sinimulan nang ipatupad noong Hulyo 25 at ang P25 ay ipatutupad simula Enero 1, 2027.

Binigyang-diin ni Sen. Raffy na hindi katanggap-tanggap ang naging hakbang na ito ng korte dahil malinaw na nakasaad sa Article 126 ng ating Labor Code na walang hukuman, tribunal o iba pang kinauukulang awtoridad ang puwedeng magpalabas ng preliminary injunction, permanent injunction o TRO laban sa anumang pagdinig, hakbang o proseso ng mga Regional Wage Boards. Kung mayroon mang apela, dapat ay idinaan ito sa tamang proseso at sa kinauukulang ahensiya na National Wages and Productivity Commission (NWPC). 

Bagamat may karapatan ang bawat mamamayan na maghain ng petition for declaratory relief sa korte kung sa tingin niya ay agrabyado siya sa ilalim ng batas o isang regulasyon, sinabi ni Idol na ang hakbang na ito ay labag sa Labor Code at isang malaking dagok sa kabuhayan ng mga manggagawang Pilipino. 

Maghahain si Sen. Raffy ng panukalang batas para amyendahan ang probisyon sa Article 126 ng Labor Code nang sa gayon ay hindi na magkaroon ng pagkalito sa implementasyon ng batas hinggil sa wage hike.

LAW

WAGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with