2 bagitong pulis todas sa ambush
MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang dalawang bagitong pulis nang sila ay ratratin ng armalite sa naganap na ambush nitong Martes ng gabi sa Brgy. Tinumigues, Lambayong, Sultan Kudarat.
Kinilala ng Regional Office (PRO) 12 (SOCCSKARGEN), ang mga nasawina pulis na sina Patrolmen Apollo Pagurayan;at Joerel Bullos na pawang nakatalaga sa 1202nd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion (RMFB).
Sa imbestigasyon, ang mga biktima ay magkaangkas sa isang motorsiklo nang harangin ng mga armadong kalalakihan at paulanan ng bala pagsapit sa nasabing lugar na agad nilang ikinasawi.
Ang mga biktika ay kapwa nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan na kumitil sa buhay ng mga ito.
Narekober ng mga operatiba ng Lambayong Police sa crime scene ang mga basyo ng bala ng M16 rifle na ginamit sa pamamaslang sa biktima.
- Latest






















