Birth certificates ng dayuhang POGO workers, kanselado
MANILA, Philippines — Kakanselahin ng Office of the Solicitor General (OSG) ang lahat ng birth certificates na may kinalaman sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) at ipo-forfeit ang mga asset o ari-arian ng mga dayuhang nagtrabaho para dito.
Matatandaang itinakda ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang tuluyang pagba-ban ng POGO sa bansa hanggang noong Disyembre 31, 2024 lamang.
Gayunman, sinabi ni Solicitor General Menardo Guevarra na hindi natatapos sa pagtigil ng operasyon ng POGO at pag-alis ng mga manggagawa nito sa bansa ang kanilang pagsisikap laban sa POGO.
Kabilang aniya sa magiging trabaho ng OSG dito ay ang pagkansela ng lahat ng birth certificates ng mga POGO workers, na nakuha sa pamamagitan nang panlilinlang. Ipo-forfeit din nila ang mga real properties at mga assets na ilegal na nakuha ng mga naturang dayuhan sa Pilipinas.
Nilinaw naman ni Guevarra na wala hindi pa nila batid ang halaga ng mga ari-ariang ipo-forfeit.
Dagdag pa niya, “The first order of the day is to take possession of and control over them.”
- Latest