^

PSN Palaro

Amit pasok sa World Games

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Amit pasok sa World Games
Ito ay matapos ang kanyang runner-up finish sa Asian 10-Ball Women’s Pool Championships na ginanap sa Doha, Qatar.

MANILA, Philippines — Nagkwalipika si two-time World 10-Ball champion Rubilen Amit para sa prestihiyosong World Games na gaganapin sa susunod na taon sa Chengdu, China.

Ito ay matapos ang kanyang runner-up finish sa Asian 10-Ball Women’s Pool Championships na ginanap sa Doha, Qatar.

Nagkasya lamang sa pilak si Amit matapos yumuko kay Liu Shasha ng China sa gitgitang 7-6 desisyon sa championship round.

“Finished 2nd in the Asian 10-Ball Women’s Pool Championships here in Doha, Qatar,” ani Amit sa kanyang post sa social media.

Ngunit sapat na ang runner-up finish nito para makapasok sa World Games.

“With this victory, I have qualified for the 2025 World Games in Chengdu, China,” dagdag ni Amit na kampeon sa WPA Wo­men’s World 10-Ball Championship noong 2009 at 2013 edisyon ng torneo.

Nagtapos naman sa ikatlong puwesto si Chezka Centeno kasama si Chinese player Yu Han.

Tinalo ni Amit si Yu sa semifinals para maisaayos ang championship showdown kay Liu.

Kamakailan lamang ay nagkampeon si Amit sa presithiyosong  WPA Women’s World 9-Ball Championship na ginanap sa New Zealand noong Setyembre.

Sinundan ito ng SEA Games multi-gold medalist ng bronze finish sa 2024 Ladies China Open.

Sumabak din si Amit sa WPA World 10-Ball Women’s Championship at Kamui Mixed Doubles events na ginanap sa San Juan, Puerto Rico noong Nobyembre.

Makakasama ni Amit sa PH  team na sasabak sa World Games ang national floorball team at dragon boat team gayundin si Pa­ris Olympics veteran Hergie Bacyadan na nauna nang nagkwa­lipika para sa world meet.

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
16 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with