Pabahay program ni Marcos nasa tamang direksiyon - lady solon
MANILA, Philippines — Nasa tamang direksiyon ang administrasyong Marcos para maisulong ang malawakang pabahay sa buong bansa sa tulong na rin ng mga departamento at ng suporta ni House Speaker Martin Romualdez.
Ito ang inihayag ni San Jose del Monte City Congresswoman Rida Robes at pinasalamatan din si Speaker Romualdez sa pagbibigay sa kanya ng tiwala na pamunuan ang Committee on Housing and Urban Development sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Ayon kay Robes, ang pagkakahirang sa kanya ni Romualdez bilang chairperson ng komite at sa suporta ng mga miyembro ay patunay na lamang sa sinseridad ng lider ng Kamara na maging katuwang ito ni Pangulong Marcos sa pagsusulong ng programang pabahay sa buong bansa.
Sa apat na araw na paglulunsad ng Housing Caravan: Asensong Ramdam, sinabi ni Robes na mas naging epektibo ang pabahay program ng administrasyon, lalo na’t nasimulan na sa kanilang lungsod sa tulong ni Mayor Arthur Robes, ang pagkakaloob ng mga titulo at sertipikasyon para sa pagmamay-ari ng mga benepisyaryo. Sinabi pa ni Robes na ang proyektong ito ay naging madali dahil sa pakikipagtulungan ng Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD), National Housing Authority (NHA), Home Development Mutual Fund (HDMF), Social Housing Finance Corporation (SHFC) at ng Human Settlements Adjudication Commission (HSAC).
- Latest