^

Bansa

Alice, Shiela at Wesley Guo nakalabas ng Pinas sakay ng bangka

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Alice, Shiela at Wesley Guo nakalabas ng Pinas sakay ng bangka
Shiela Guo, sister of dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo, responds to questions at the Senate justice and human rights panel hearing on Tuesday, Aug. 27, 2024.
Senate SMU/Voltaire Domingo

MANILA, Philippines — Kinumpirma ni Shiela Guo na nakalabas siya ng Pilipinas noong nakaraang buwan kasama sina dating Bamban Mayor Alice Guo at Wesley Guo sa pamamagitan ng bangka.

“Sakay po kami ng bangka,” sabi ni Guo sa Senate subcommittee on justice and human rights.

Ayon kay Shiela, mula sa tinitirhan niyang bahay sa Bulacan nagtungo siya sa farm sa Bamban kung saan naroon sina Alice at Wesley.

Sumakay silang tatlo sa isang puting van dakong 7:08 ng gabi at naglakbay ng nasa 4 hanggang 5 oras.

Hindi matukoy ni Shiela ang pangalan ng lugar na pinagdalhan sa kanila kung saan sumakay naman sila ng isang maliit ng bangka na nasa 10 katao ang laman. Lumipat umano sila sa isang malaking bangka na sa tingin niya ay isang fishing boat.

Muli silang lumipat sa isang maliit na bangka at nanatili sila sa Malaysia ng ilang araw.

Kinumpirma rin ni Shiela na sa Malaysia na sila nagkita ni Cassandra Ong, ang kumakatawan sa ni-raid na Lucky South 99 gambling hub sa Pampanga

Ayon naman sa National Bureau of Investigation, posibleng sa bayan ng Bangao sa Tawi-Tawi sumakay ng speed boat sina Shiela, Alice at Wesley patungong Malaysia.

Sinabi ni NBI Director Jaime Santiago na posibleng nagbiyahe ang mga ito sakay ng bangka o speedboat.

“Dahil po walang marka ang kanyang passport ng labas niyan sa Pilipinas ay ang theory po namin ay gumamit ng backdoor.

vuukle comment

WESLEY GUO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with