^

Pang Movies

Jerald at Pepe, sa peta nag-umpisa!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Jerald at Pepe, sa peta nag-umpisa!
Pepe Herrera

Ang pagkakaibigan ng dalawang singers at actor-comedians na sina Jerald Napoles at Pepe Herrera ay nagsimula nung 2014 nang magsama sila sa hit stage musical ng Philippine Educational Theater Association o PETA, ang Rak of Aegis, kung saan silang dalawa ang magka-alternate sa papel na Tolits.  

They barely know each other nang magsama sila sa nasabing musical pero sa kalagitnaan nito ay unti-unting naging close ang dalawa at kapwa nila kinilala ang isa’t isa.

Sa loob ng 12 taon ay nagpatuloy ang closeness nila at nakailang beses na rin silang nagsama sa pelikula at ang latest ay ang upcoming comedy film na Ang Pinakamasarap na Pares sa Balat ng Lupa na pinamahalaan ni Raynier Brizuela under Viva Films na nakatakdang ipalabas sa mga sinehan nationwide simula sa Aug. 26, 2026.

Nang ikasal si Jerald sa kanyang longtime partner na si Kim Molina nung nakaraang March 1, 2026 na isa si Pepe sa tumayong Groom’s Men.

Aminado sina Jerald at Pepe that they have many things in common – pareho silang singers, actors at comedians at pareho na rin silang may asawa ngayon.  Ang kaibahan lamang ay may dalawang anak na si Pepe na sina Payapa at Pepito sa kanyang wife na si Sarah Mallari habang nagpaplano pa lamang magka-baby ang mag-asawang Jerald at Kim.

“Masarap katrabaho ang taong malapit sa ‘yo lalupa’t kabisado na namin ang isa’t isa,” pahayag ni Jerald na kagagaling lamang sa dalawang magkasunod na hit movies, ang Wonderful Nightmare na nag-number 1 sa streaming platform na Netflix at Love, Ngo habang si Pepe naman ay nagmula sa hit comedy movie na Home Along Da Riles: The Reunion.

James, pasok sa Carnival...

Marami ang nagsasabi na napakasuwerte umano ni James Reid dahil si Kathryn Bernardo ang kanyang kapareha sa comeback TV project nilang Someone, Someday na agad nag-number 1 sa Netflix last Friday habang palabas naman sa free TV at iba’t ibang digital platfom ng ABS-CBN simula nung nakaraang Lunes, July 27.

Bukod sa bagong teleserye ni James ay may pelikula rin itong kalahok sa 2026 Metro Manila Film Festival, ang Haunted Carnival, kasama sina Julia Barretto, Maricel Soriano at iba pa.

PEPE HERRERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with