Matibag: VP Duterte, nagtaksil sa tiwala ng publiko

MANILA, Philippines — Itinuring ni NBI Director Melvin Matibag na naisakatuparan na ni Vice President Sara Duterte ang reklamong betrayal of public trust nang hayagan nitong aminin na kumuha siya ng tao upang patayin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at iba pa sakaling siya ay mapatay.
Muling isinalang si Matibag bilang testigo ng prosekusyon sa ika-siyam na araw ng impeachment trial. Aniya, “The betrayal of public trust was already consummated when she publicly admitted… that she contracted a killer to kill the president.”
Tinangkang ipabura ng depensa sa rekord ang pahayag ni Matibag ngunit tinutulan ito ng korte. Giit ng lead prosecutor na si Batangas Rep. Gerville Luistro, sinagot lamang ng testigo ang tanong ng depensa at malinaw na may admission na naganap.
Nahaharap si Duterte sa mga reklamong impeachment dahil sa paratang na culpable violation of the Constitution, graft and corruption, betrayal of public trust, bribery, at iba pang mabibigat na krimen. Noong Mayo, sa ikalawang pagkakataon ay in-impeach siya ng House of Representatives.
- Latest



















