^

Bansa

Pag-amin ni VP Sara sa ‘hitman’, betrayal of public trust – prosec

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Pag-amin ni VP Sara sa ‘hitman’, betrayal of public trust – prosec
Vice President Sara Duterte arrives at the Senate to meet her defense team on July 7, 2026
Bella Cariaso

MANILA, Philippines — Iginiit ng House prosecution panel nitong Miyerkules na ang mismong pahayag ni Vice Pres. Sara Duterte na umano’y nag-ayos siya ng isang “hitman” upang patayin si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sakaling siya mismo ay mapatay ay maituturing na pagtataksil sa tiwala ng publiko o betrayal of public trust na isa sa mga batayan ng impeachment sa ilalim ng Konstitusyon.

Ayon kay House trial spokesperson Zia Alonto Adiong ng Lanao del Sur, ang naturang pahayag ay nagbubukas ng seryosong usapin tungkol sa asal na inaasahan sa isang opisyal ng pamahalaan na nanumpang itaguyod at sundin ang batas.

“The mere fact that she had that idea and made an understanding, an agreement with a person whose livelihood is sourced out from  killing people, is already a betrayal of public trust,” ayon kay Adiong.

Inaasahan aniya sa isang Bise Presidente na ­siyang magtataguyod ng batas at hindi dapat hinihikayat na ang sinuman ay kumuha ng hustisya para sa sarili niyang mga kamay. Dagdag pa ni Adiong na ang isang opisyal na humahawak sa ikalawang pinakamataas na posisyon sa bansa ay nararapat na nagsumbong sa mga awtoridad tungkol sa umano’y pagkakaroon ng isang bayarang mamamatay-tao, sa halip na makipag-ugnayan o makipagkasundo rito.

Ang nasabing usapin ay lumitaw habang ipinagpapatuloy ng mga prosecutor ang paghaharap ng kanilang ebidensya sa Senate Impeachment court kaugnay sa umano’y pagbabanta ni VP Duterte laban kay Pangulong Ferdinand Marcos, First Lady Liza Marcos, at dating House speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Bilang suporta sa paratang, iniharap ng prosekus­yon si NBI Senior Agent John Mark Calilung, na nagpatunay sa pagiging tunay ng online media briefing ni Duterte noong Nobyembre 23, 2024, kung saan umano’y ginawa ang mga naturang pagbabanta.

Ayon kay Alonto Adiong, layunin ng mga ebidensyang iniharap ng prosekusyon hindi lamang na patunayan ang pagiging tunay ng mga video clip, kundi ipakita rin kung bakit itinuring ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na isang usaping may malaking epekto sa pambansang seguridad ang mga pahayag ni Duterte.

Sinabi rin niya na wala umanong ibang magagawa ang mga imbestigador kundi magsagawa ng masu­sing pagsisiyasat dahil ang umano’y pagbabanta ay nakatuon mismo sa Pangulo ng bansa.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with