P600 milyong expired na karne samsam sa Bulacan, sinunog ng NBI
MANILA, Philippines — Agad sinunog ng National Bureau of Investigation (NBI) ang nakumpiskang expired meat products na nagkakahalaga ng P600-milyon sa isang destruction plant sa San Ildefonso, Bulacan noong Biyernes, upang hindi na maikalat pa sa merkado at magdulot ng panganib sa kalusugan ng publiko,
Ayon sa NBI, nasa 37 tonelada ng mga karne ng baboy, manok at baka ang kinumpiska noong Marso 12 sa isang cold storage facility sa Meycauayan, Bulacan.
Alinsunod sa direktiba ni NBI Director Jimmy Santiago, isinagawa ng NBI-Central Luzon Regional Office (NBI-CELRO) ang operasyon gamit ang search warrant laban sa Atkins Import and Export Resources Inc. sa Meycauayan City, Bulacan, dahil sa paglabag sa Republic Act No. 7394 (ang Consumer Act of the Philippines) kaugnay ng Republic Act No. 10611 (Food Safety Act of 2013).
Pawang nabubulok na ang mga expired na karne na sinunog sa Far East Fuel Corporation, na kung hindi naagapan ay gagamitin diumano sa paggawa ng mga siomai at hotdog.
- Latest