^

PSN Opinyon

Guo mala-rockstar ang arrive!

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Marami ang nakapansin na nang sunduin nina DILG ­Secretary Benhur Abalos at PNP Chief Marbil ang puganteng si Alice Guo sa Indonesia ay mala-superstar ang dating nito. Pati ang mga Indonesian authorities ay nagpa-selfie picture sa kanya at ang mukha niya ay walang takot, bagkus ay nakangiti at pakaway-kaway pa.

Maaga pa ay nalaman na ang balita sa kanyang pagkakaaresto—salamat sa social media at parang tayong lahat ay naroroon sa Jakarta at saksi sa mga pangyayari. Mukhang maraming tagahanga si Guo kahit patung-patong ang mga mabibigat na kasong isasampa laban sa kanya. Sari-sari ang reaksiyon sa social media.

Napansin ng kumpare kong si retired PNP General Cris Maralit—bakit hindi nakaposas si Guo at parang isang VIP na sinundo pa ng mga high government officials. Aba e, VIP naman talaga pards. Very Important Prisoner. Ay mali. Hindi pa nga siya nakakasuhan, prisoner na agad? Erase, erase!

Kasuhan na sana agad ng DOJ para no more problem. Dapat kasi bago pa man nakapuga ay kinasuhan na. Kaya mala superstar ang arrive nang sunduin sa Indonesia kasi wala pang kaso.

Ngayon, ang claim ni Guo kung bakit siya tumakas ay tumatanggap siya ng banta sa kanyang buhay. Kanino? Malamang sa mga sindikatong kinasasapian niya.

Baka kaya ibig maging state witness ni Guo kaya sinabi yan. Pero tingin ko, malabung-malabo. Mahalaga ang kasong ito na dapat nating subaybayan. Hindi lang POGO ang kinasasangkutan niya kundi espionage.

Mantakin n’yo, paano ang isang Chinese ay makapameke ng Pilipino citizenship para maging mayor pa ng isang bayan sa Tarlac?

vuukle comment

CHIEF MARBIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with