^

Punto Mo

‘Nail Cutter’

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

(Part 1)

MARAMI akong dapat ipagpasalamat sa nail cutter. Mula pa noong ako ay nasa high school sa probinsiya hanggang sa mag-aral ako sa Maynila, ang nail cutter ay naging bahagi na ng aking buhay.

Maiwan ko na lahat ang lahat ng bagay, huwag lang ang nail cutter. Kulang ang paglabas ko sa bahay kapag hindi ako nakapagbaon ng nail cutter. Mas mahalaga pa sa akin ang nail cutter kaysa sa suklay.

Noong nasa high school ako, malayo ang aking nilalakad para makarating sa school. Maglalakad ng may isang kilometro.

Ang mahirap ay kapag inabot ng ulan o matinding sikat ng araw. Madalang din ang mga bahay na madadaanan kaya walang mahihingian ng tulong.

Unang-una na nakatulong sa akin ang nail-cutter ay nang abutan ako nang malakas na ulan habang patungo sa school. Hindi ako nagdala ng payong dahil nang umalis ako ng bahay mainit ang panahon.

Dali-dali kong inilabas ang aking nail cutter mula sa aking bag at iyon ang gina­mit ko para ma­­ka­kuha ng dahon ng saging. Dahil ma­talas ang nail cutter, nagawa kong putulin ang dahon. Ginawa kong pangtakip sa ulo ang dahon. Kung wala akong nail cutter, hindi ako makakakuha ng dahon.

Pero ang hindi ko malilimutang karanasan na sangkot ang nail cutter ay nang nag-aaral na ako sa Maynila.

(Itutuloy)

vuukle comment

KARANASAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with