BRM Centers, humiwalay na sa European Wellness
MANILA, Philippines — Nilinaw ng BRM Centers OPC, dating nagpapatakbo ng EW Villa Medica Manila Premiere Centre, na natapos nito ang lahat ng obligasyon sa ilalim ng kasunduan nito sa European Wellness Global bago nagtapos ang kanilang partnership noong 2025.
Ayon sa pahayag ng kumpanya, nagsimula ang paggamit nito sa pangalang EW Villa Medica sa Maynila noong Marso 2021 sa bisa ng kasunduan sa European Wellness Global na pag-aari ni Mike Chan. Pormal na binuksan ang klinika noong Hulyo 2022 sa seremonyang dinaluhan nina Chan at BRM Centers President at CEO Crystal Jacinto.
Iginiit ng BRM Centers na nabayaran nito ang lahat ng kaukulang bayarin sa paggamit ng pangalan at tatak na EW Villa Medica sa buong panahon ng kanilang kasunduan.
Matapos ito, itinatag ni Jacinto ang VMP Regenerative Clinic kasama ang isang German partner. Binigyang-diin ng kumpanya na wala nang kaugnayan ang operasyon ng bagong klinika sa dating kasunduan nito sa European Wellness Global at mayroon na itong sariling pamunuan, mga kasosyo at sistema ng operasyon.
Tiniyak naman ni Jacinto na magpapatuloy ang VMP Regenerative Clinic sa pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan, gamit ang teknolohiya.
- Latest


















