Transport strike pinalawig hanggang ngayon
MANILA, Philippines — Pinalawig pa ng transport group na Manibela ang kanilang ikinasang transport strike hanggang ngayong Miyerkules, Nobyembre 25.
Sa isang video na ipinaskil sa kanilang opisyal na Facebook page, inianunsiyo ni Manibela Chairperson Mar Valbuena ang pagpapalawig sa kanilang isinasagawang kilos-protesta na dapat sana ay magtatagal lamang hanggang kahapon.
Muling iginiit ni Valbuena na layunin ng kanilang protesta na tutulan ang pagbabalik sa puwesto sa pamahalaan ng mga corrupt na opisyal.
Matapos ang programa, muling nagmartsa ang grupo patungo sa central office ng Land Transportation Office (LTO) sa Quezon City upang doon ipagpatuloy ang kanilang protesta.
- Latest


















