TNVS driver, 1 pa huli sa higit P20 milyon drug-bust operation

MANILA, Philippines — Arestado ang isang TNVS driver at isang fastfood crew sa isinagawang buy-bust operation ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group sa Brgy. Lower Bicutan, sa Taguig City kung saan nasamsam ang nasa 3 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P20.4 milyon kahapon umaga.
Nasabat din sa mga suspek ang dalawang susi ng sasakyan, selpon, at buy-bust money.
Nai-turn over na sa PNP SPD Forensic Unit sa Camp Bagong Diwa ang mga nakumpiskang mga droga at gamit para sumailalim sa examination.
Nahaharap sila sa kasong paglabag sa Republic Act no. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy ang imbestigasyon ng PNP upang matukoy kung may iba pang kasabwat ang mga suspek at kung saan nanggaling ang malaking suplay ng droga.
- Latest

















