Lisensiya ng SUV driver, suspinde ng 90 araw - LTO
MANILA, Philippines — Sa pagkamatay ng online seller... Sinuspinde ng Land Transportation Office (LTO) ng 90 araw na hindi magamit ang lisensya para makapagmaneho ang isang SUV driver na naging ugat ng pagkamatay ng online cellphone seller sa kahabaan ng EDSA Mandaluyong na naganap noong November 1.
Ito ay ginawa ng LTO habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente. Inutusan din ng LTO sa SUV driver na isuko ang kanyang lisensya sa Intelligence and Investigation Division ng ahensiya. Ang naturang SUV ay nakaalarma na sa LTO.
Sa record ng pulisya, noong November 1 nasawi ang 23-anyos na online cellphone seller na si Mohammad Sheikdugar makaraang makipagkita ang biktima sa isang nagpapanggap na buyer para sa isang cellphone na nagkakahalaga ng mahigit ?50,000.
Inutusan ng suspek ang biktima na tanggalin ang harang sa parking ng bangko. Biglang pinarurot ng suspek ang sasakyan.
Sinasabing sinubukang pigilan ng biktima ang driver at sumabit siya sa gilid/stepboard ng sasakyan mula Ortigas hanggang sa kumaliwa sa EDSA, Mandaluyong.
Dito tuluyang nahulog ang biktima sa kalsada pagkatapos ng ilang daang metro at namatay sa ospital pagkatapos ng tatlong araw dahil sa matinding pinsala sa ulo ng biktima.
- Latest



















