^

Metro

60 pamilya nasunugan sa Tondo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
60 pamilya nasunugan sa Tondo
Firefighters responded to a third alarm fire that hit a residential area along Tioco Street in Barangay 91, Tondo, Manila on November 7, 2026.
Photo courtesy of NepoMal Fire Volunteer Inc./Fire and Rescue Alert Responders

MANILA, Philippines — Nilamon ng apoy ang nasa 25 kabahayan kaya nawalan ng tirahan ang nasa 60 pamilya o 180 residente ng Barangay 91, Tondo, Maynila, Sabado ng madaling-araw.

Ayon sa ulat, sinabi ni Fire Senior Inspector Ronald Lim, commander ng Bureau of Fire Protection Manila Station 1, walang iniulat na nasugatan o nasawi sa insidente.

Batay sa Manila City Disaster Risk Reduction and Management Department, sumiklab ang sunog dakong alas-3:36 ng madaling-araw na mabilis na kumalat at agad itinaas sa ikatlong alarma dakong alas- 3:52 ng madaling-araw.

Idineklarang fire under control pagsapit ng alas-4:57 ng umaga at tuluyang naapula dakong alas-6:10 ng umaga.

Sinabi ng BFP na na­ging hamon sa pag-apula ng apoy ang malakas na hangin mula sa katabing ilog na naging dahilan nang mabilis na pagkalat ng apoy at makikipot na eskinita at looban na malayo ang distansya sa mga fire trucks.

Nagawan ng paraan sa paglalatag ng mara­ming dugtong na fire hose at sa pagtutulu­ngan ng mga residente.

Patuloy pang inaa­lam ang naging sanhi ng sunog at halaga ng pinsala.

FIRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with