Illegal gambling sa Metro Manila tutuldukan
MANILA, Philippines — Iniutos ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief PBGen. Christopher Abrahano sa limang police district at mga hepe ng himpilan na paigtingin ang kampanya laban sa ilegal na sugal sa Metro Manila, partikular ang larong “ending.”
Kasunod ito ng pagkakaaresto sa isang 32-anyos na kolektor ng taya sa ilegal na ending sa Barangay Pinyahan, Quezon City, noong Nobyembre 4, matapos makatanggap ng sumbong mula sa isang concerned citizen.
Inatasan ni Abrahano ang mga police unit na magsagawa ng tuluy-tuloy na operasyon at tukuyin hindi lamang ang mga kolektor kundi pati ang mga operator, financier, at iba pang nasa likod ng ilegal na pasugalan.
Nagbabala rin ang NCRPO chief na haharap sa kasong kriminal at administratibo ang sinumang pulis na mapatutunayang sangkot sa ilegal na sugal o nagsisilbing protektor nito.
- Latest
















