^

Metro

Bebot hinostage sarili, inaresto

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

Dahil sa utang

MANILA, Philippines — Isang 36-anyos na babae ang inaresto matapos magkulong sa loob ng inuupahang condominium at magbantang sasaktan ang sarili kaugnay ng umano’y hindi nababayarang utang sa Quezon City nitong Martes, Nobyembre 3.

Sa ulat kay Quezon City Police District (QCPD) Director PBGen. Christopher Olazo, humingi ng tulong sa mga security personnel ang 27-anyos na pamangkin ng suspek matapos magkulong ang huli sa condominium unit sa A. Bonifacio Ave, Brgy. Balingasa, dakong alas-5:45 ng hapon. Nagdulot ng pangamba sa mga residente ang insidente.

Batay sa imbestigasyon, sinisingil umano ng suspek ang pamangkin sa halagang P150,000 na sinasabi niyang utang ng mga magulang nito. Nang rumesponde ang mga tauhan ng La Loma Police Station sa pangunguna ni Police Lt. Col. Jose Luis Aguirre, nagbanta umano ang babae na sasaktan ang sarili kapag hindi naibigay ang hinihingi niyang pera.

Sa pamamagitan ng mahinahong pakikipag-usap at maayos na koordinasyon sa mga security personnel, napakalma ng mga pulis ang suspek at natapos ang insidente nang walang naiulat na nasaktan. Kalaunan ay dinala siya sa himpilan ng pulisya at inilagay sa kustodiya.

Nahaharap ang suspek sa mga kasong paglabag sa Article 155 (Alarms and Scandals) at Article 327 (Malicious Mischief) ng Revised Penal Code.

QCPD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with