2 milyong dagsa sa mga sementeryo, terminal

Sa bisperas ng Undas
MANILA, Philippines — Umabot sa halos 2 milyong katao ang nagtungo sa mga sementeryo, mga pantalan, bus terminals, at airports sa buong Metro Manila, nitong Sabado, Oktubre 31.
Sa Manila North Cemetery, ang pinakamalaking sementeryo sa bansa, ay tinatayang nasa 500,000 ang bumisita, bago pa ang All Saints Day ngayong Nobyembre 1 at All Souls Day, bukas Nob. 2.
Bukod pa ito sa libu-libong naitala na dumalaw sa mga puntod sa Manila South Cemetery, Manila Chinese Cemetery, at Paco Park na pawang nasa Maynila.
Gayundin ang La Loma Cemetery na nasa boundary ng Santa Cruz, Manila, at South Caloocan.
Ang Libingan ng mga Bayani, Manila American Cemetery and Memorial, Heritage Park, sa Taguig; Manila Memorial Park sa Sucat, Parañaque; Loyola Memorial Park sa Marikina; Golden Haven sa Las Piñas, Everest Hills Memorial Park sa Muntinlupa; Holy Cross Memorial park at Himlayang Pilipino sa Quezon City; Eternal Gardens sa South Caloocan; Ever Memorial Garden sa Valenzuela.
Dinagsa rin nitong Sabado ang Bagbag Public Cemetery, Baesa Cemetery, Tala Cemetery, Sangandaan Cemetery, sa Quezon City; San Roque Cemetery, San Felipe Neri, Aglipay Cemetery.
Ngayong Linggo, Nob. 1, inaasahang mas matao ang mga nasabing sementeryo at mga columbaria.
Samantala, sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) na pinakamarami ang dumadaan para magbiyahe patungong lalawigan ay tinatayang 1.2 milyon na ang naitala simula Okt. 25 hanggang nitong Sabado.
Bukod pa ito sa mga nasa pantalan, airports, at iba pang mga terminal ng bus.
- Latest



















