^

Metro

Ibinentang kambal na sanggol nabawi

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Ibinentang kambal na sanggol nabawi
Ayon kay Southern Police District (SPD) Director PBGen. Rodel Pastor, nabawi ang kambal sa Candaba, Pampanga noong Oktubre 25 sa pamamagitan ng koordinasyon ng mga awtoridad sa ilalim ng Borderless Policing System na “TIMPUYOG.”
Stock image of a new born child.

Ina, ahente at mag-live-in, timbog

MANILA, Philippines — Nabawi ng mga awtoridad ang kambal na sanggol na walong buwang gulang habang inaresto ang kanilang ina, isang hinihinalang sangkot sa pagbebenta ng mga sanggol, at mag-live-in na umano’y kumuha sa mga bata sa magkakahiwalay na operasyon sa Pampanga at Aurora.

Ayon kay Southern Police District (SPD) Director PBGen. Rodel Pastor, nabawi ang kambal sa Candaba, Pampanga noong Oktubre 25 sa pamamagitan ng koordinasyon ng mga awtoridad sa ilalim ng Borderless Policing System na “TIMPUYOG.”

Nagsimula ang imbestigasyon matapos ireklamo ng 45-anyos na lola ng kambal ang ina ng mga bata, na umano’y kinuha ang mga sanggol na kanyang inaalagaan matapos silang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan. Sa imbestigasyon, nakilala ng ina sa Facebook ang 32-anyos na si alyas “CMPF” noong Agosto 10, na umano’y nagpadala ng P27,000 online at nagbigay ng P3,000 na cash kapalit ng kambal.

Sinalakay ng Taguig Women and Children Protection Desk at mga social worker ang bahay ni CMPF sa San Luis, Aurora. Inamin umano nitong naipasa na niya ang kambal sa mag-live-in sa Pampanga. Kinasuhan siya ng paglabag sa Republic Act 11862 o Expanded Anti-Trafficking in Persons Act at RA 7610 o batas na nagpoprotekta sa mga bata laban sa pang-aabuso at pagsasamantala.

Dakong alas-3:45 ng hapon noong Oktubre 25 nang madakip sa Candaba ang hinihinalang umampon sa kambal. Inihahanda rin ang kaukulang kaso laban sa ina at mag-live-in. Nauna nang nasagip sa hiwalay na operas­yon sa San Luis ang isa pang anim na buwang sanggol at isang 10-anyos na bata.

SANGGOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with