^

Metro

Panghapong face-to-face classes sa UE Manila, sinuspinde dahil sa bomb threat

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Panghapong face-to-face classes sa UE Manila, sinuspinde dahil sa bomb threat
Sa abiso ng UE-Manila, nabatid na sakop ng suspensiyon ang lahat ng F2F classes sa unibersidad, mula 1:00 ng hapon. 
STAR / File

MANILA, Philippines — Suspendido ang panghapong face-to-face classes sa University of the East (UE) Manila kahapon bunsod nang natanggap na bomb threat ng paaralan.

Sa abiso ng UE-Manila, nabatid na sakop ng suspensiyon ang lahat ng F2F classes sa unibersidad, mula 1:00 ng hapon. 

Nauna rito, nakatanggap ang UE-Manila ng bomb threat na nag­resulta para mapilitan silang ilikas ang mga estudyante, mga guro at mga tauhan ng paaralan.Agad namang isinailalim sa security checks ang lahat ng gusali ng uniber­sidad.

Samantala, hindi naman tuluyang sinuspinde ang klase. Sa halip ay nagdaos na lamang ng asynchronous classes, simula 3:00 PM. Nagpatuloy naman ang online synchronous classes ng College of Law at Graduate School.

Pinayuhan din ang mga estudyante na makipag-ugnayan sa kani-kanilang instructors para sa karagdagang update at instraksiyon.

THREAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with