^

Bansa

Walang usapan sa kapalit ni VP Sara — Palasyo

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi umano pinag-uusapan ni Pa­ngulong Ferdinand Marcos Jr. at ng kanyang mga opisyal ang posibilidad na magkaroon ng kapalit si Vice President Sara Duterte habang nagpapatuloy ang impeachment trial laban dito.

“Hindi po naiisip ng Pangulo iyan, sa totoo lang. Hindi po napag-uusapan. Sa ngayon, kahit kami ay nagmi-meeting, hindi napag-uusapan ang impeachment,” ani Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro sa panayam sa Unang Balita nitong Biyernes.

Binigyang-diin din ni Castro na ang nais lamang ng Pangulo ay masunod ang due process sa pagdinig ng kaso.

Nauna nang sinabi ng Malacañang na walang sinuman ang makikialam sa desisyon ni Duterte kung mananatili siya sa kanyang puwesto habang kinakaharap ang impeachment trial.

Matatandaang iginiit ng Bise Presidente na wala siyang planong magbitiw sa kabila ng mga kasong kinahaharap at mga alegasyong ibinabato laban sa kanya.

“Kung hindi po siya magre-resign, desisyon niya po iyan. Walang mang­hihimasok diyan. Pero ang pagsasabi niya na mag-resign ang Pangulo, iyan ay malaking kalokohan,” ani Castro.

Noong Martes, ibinasura ng House prosecution panel ang tatlo sa apat na Articles of Impeachment laban kay Duterte. Nanatili lamang ang Article II, na tumutukoy sa umano’y hindi maipaliwanag na yaman kaugnay ng hindi kumpletong deklarasyon ng mga ari-arian at kabiguang mag-divest sa ilang negosyo.

Samantala, iginiit ng kampo ni Duterte na ang pag-atras ng prosekusyon sa tatlong articles of impeachment ay nagpapakita na kulang ang ebidensiya upang patunayan ang mga alegasyon laban sa Bise Presidente.

FERDINAND MARCOS JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with